Sunday, July 29, 2007
My Experience
Noong ako'y 17 year's old palang marami na akong nagawang hindi maganda sa aking kapwa.Ako'y mahilig uminom ng alak,mag sugal at makipag away sa ibang kabataan din.Mahilig din ako sumayaw at mag disco san man sa lugar namin.May kaibigan akong nag ngangalang Jemar Durupan,sya ay mahilig din sa sayaw tulad ko,Sya ang tumayong nagtuturo sa aming grupo.Ako'y nagluko sa aking pag aaral,hindi ko na inisip ang ginagastos ng aking mga magulang.Natapos ang isang semester na walang nangyari sa aking pagaaral sa kadahilanang ako'y naluko sa pagsasayaw.Hanggang may isang Pastor ang pumunta sa aming bahay at kinausap ang akin daddy,sinabi ng aming pastor na doon nalang ako mag patuloy ng aking pag aaral sa Adventist University of the Phillippines,sabi ng aming pastor mababago daw ako don at makikilala ko raw ang Dios.Pinadala ako ng aking daddy sa Silang Cavite kung saan don ako magaaral.Ganun pa rin ang aking attitude sa loob ng Campus,naging sakit ako ng ulo ng mga Dean namin.Mahigpit ang school na yun,hindi ka makaka labas ng Campus without valid reason.Naka abot ako ng 2nd year sa aking pag aaral don,ganun pa rin ang aking attitude walang nagbago,hanggang sa naging classmate ko si Sheryl Joy Atun,napaka ganda nya,nahulog ang loob ko sa kanya,pero may boyfriend na sya,pero hindi naging hadlang ang boyfriend nya sa akin,katabi ko sya sa school,naging masipag akong magaral simula nong naging classmate ko sya,hanggang sa naging friend ko sya at naging malapit ang loob namin sa isa't isa,hindi nagtagal nag kahiwalay sila ng Bf nya,niligawan ko sya,lahat ay gagawin ko para sa kanya.Hanggang sa may nangyari sa aming dalawa,na buntis ko sya, hindi alam ng aming mga magulang ang aming ginawa,hanggang sa nalaman nalang ng mga magulang namin ang nangyari sa amin.pinakasal kami sa SM Fairview.Nagsama na kami sa Bicol.Sya'y nagnganak ng isang malusog na babae,pinangalanan namin syang Kyla Shayne A. Rivera.Doon sa Bicol aking byanan na lalaki ay isang pastor,ginabayan nya ako sa aking pagaaral at pananaliksik sa bibliya,marami akong tanong sa aking buhay na nasagot ng bibliya,nag karoon ako ng takot sa aking sarili,takot na gumawa ng mga kasalanan na labag sa Dios.Natuwa ang aking mga magulang sa aking pagbabago,hindi nila akalain na magbabago ako ng malaki.New Year non nang mabalitaan ko na napatay ang aking kaibigan na si Jemar Durupan,nasaksak sya sa dilim at namatay,hindi ko man lang sya nakita nong ako'y nagbago na,sana nahatak ko rin sya sa Dios.Ang Dios ay maraming plano sa atin,lahat tayoy may dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo,ako may plano sa akin ang Dios kung saan ako'y kanyang binago,nang dahil sa aking asawa at anak ako'y napalapit sa Dios,Salamat sa aking aking asawa at akoy nabago nya at inilapit nya sa Dios.
AMEN to that!
hi ren..active ka pa ba dito?sa tingin ko you have to register in adsense para makakuha ng pera dito...